Wastong Hakbang Sa Pamamalantsa?
Wastong Hakbang sa Pamamalantsa?
Wastong Hakbang sa Pamamalantsa
• Ihanda ang plantsa
• Ihanda ang hanger dahil ito ang pagsasabitan ng damit pagkatapos plantsahin
• Ihanda ang platsahan o kabayo
Kung polo ang iyong paplantsahin
• wisikan muna ng tubig bago plantsahin gumamit lamang ng malinis na pang wisik na tubig unahing plan
• unahing plantsahin ang kuwelyo sag awing likuran at unahan ng polo.pagkatapos isunod na ang manggas ng polo.
• Isunod ang bahaging balikat sa likuran at harapan ng polo o blusa.
• Plantsahin ang harapang bahagi simula sa butones gawin ito hanggang makaikot sa buong katawan ng polo.
• Plantsahing muli ang laylayan ng polo o blusa kung ito ay polo jacket upang masundan ang pileges.
• Pagkatapos ihanger ng maayos ang naplantsang polo isasara ang dalawang botones sa bahagi ng leeg.
Kung Short o pantalon nman ang paplantsahin ito ang mga sumusunod na hakbang
• Unang plantsahin ang baywang at sinturera papunta sa bahagi ng balakang at hita ng pantalon.
• Sunod na hakbang baliktarin plantsahin muli ang baywang at balakang at bahagi ng bulsa.
• Plantsahin ang kanang bahagi ng hita isunod ang kaliwa.pagkatapos ay pagtapatin ang mga tupiu bago ilapat ang plantsa upang maiwasan na maging doble ang pitso ng pantalon mula sap aa.
• Plantsahin hanggang maging makinis ang pantalon.
• Ihanger ang pantalon o kaya ay ilupi ng maayos
Kung Palda naman ang paplantsahin
• Wisikan ng tubig kung kinakailangan
• Unahing plantsahin ang mga bulsa,bahagi ng baywang,at zipper
• Kasunod baligtain plantsahing muli ang bahagi ng baywang
• Unatin ang buong palda at balikan sa bahagi ng zipper at bulsa upang lupian ng wasto ang mga piliges.at plantsahin ang mga pleats.
• Panghuli ihanger ng maayos.
Comments
Post a Comment