Talasalitaan Sa El Filibusterismo Kabanata 25

Talasalitaan sa el filibusterismo kabanata 25

El Filibusterismo Kabanata 25

" Tawanan at Iyakan"

Talasalitaan

  • Nagkatipun-tipon – nagkasama-sama
  • Katusuan- kasakiman
  • Mapanuya- mapangmata
  • Sinipat- tiningnan
  • Nakaligtaan- nakalimutan
  • Ginagad- ginaya
  • Nabanaagan- naaninaw
  • Nagmamanman- nag-iimbestiga
  • Nagambala- naistorbo
  • Kalakip- kasama

Halimbawa sa pangungusap ng mga talasalitaan para mas lubos na maunawaan ang kahulugan.

  1. Nagkatipun-tipon ang mag kakaibigan sapagkat gagawa sila ng kanilang mga proyekto sa paaralan.
  2. May katusuan talaga ang isa kung kaibigan gusto niyang sumama sa amin ngunit ayaw namang umambag sa mga bayarin.
  3. Mapanuya sa kapuwa  ang kapitbahay ko kaya naman kinaiinisan siya ng mga tao.
  4. Sinipat ng director sa paaralan ang mga estudyante na nagsasanay dahil pipili na siya ng mga magtatanghal sa gagawing patimpalak kinabukasan.
  5. Nakaligtaan kung magsaing kaya pagdating ng tanghalian wala pala kaming kakainin.
  6. Ginagad ng makulit na bata ang napapanood niyang katatawanan sa telebisyon kaya naman tawanan ang lahat.
  7. Nabanaagan ko sa mukha niya ang labis na lungkot sa pagkawala ng kanyang lola.
  8. Nagmamanman ang mga awtoridad sa isang barangay dahil dito daw nagtatago ang mga rebelde.
  9. Nagambala ng mga bata ang pulong ng matatanda kaya humingi sila ng paumanhin.
  10. Kalakip ng sulat galing sa kanilang punong bayan ang pera na itinutulong niya sa mga nasal anta.

Ang Tawanan at Iyakan  

Ang kabanatang ito ay ang sama-samang pagkain ng mga kabataan sa isang Pansiteria, sila ay labing apat na kabataan na nagmula sa ibat-ibang probinsya  sila ay nagkatipin tipon dahil sa payo ni Padre Irene. Kung pagmamasdan ang kanilang mga mukha oo nga at nagtatawanan sila pero may makikita kang lungkot sa kanilang mga mata Nag patawag ang pulong sapagkat pag uusapan  nila ang tungkol sa hinihingi nilang pagpapatayo ng akademya, at nang dumating na ang kanilang pagkain ang lumpia  ay inihalintulad nila kay padre Irene at tinawag nila itong Lumpiang Irene. At ang torta ay para sa kura at tinawag nila itong Turtang Kura. Samantalang ang pansit at sopas ay kay don Costudio nila inihalintulad.  

Buksan ang link para sa karagdagang kaalaman

Buong kabanata 25 ng el filibusterismo brainly.ph/question/2111436

Tauhan sa kabanata 25 ng el filibusterismo brainly.ph/question/1406510


Comments

Popular posts from this blog

5 Pangyayari Sa Nasyonalismo

Halimbawa Ng Inadequate Investment

Hustisya Sa Pilipinas Sa Kasalukuyang Panahon