Mga Tauhan Sa Kabanata 19:Karanasan Ng Isang Guro Sa Noli Me Tangere

Mga tauhan sa kabanata 19:karanasan ng isang guro sa noli me tangere

Noli Me Tangere:

Kabanata 19: Mga Suliranin ng Isang Guro

Ang mga tauhan ng kabanatang ito ay sina:

  • binatang guro  
  • Crisostomo Ibarra  
  • Don Rafael Ibarra  
  • Maestro Ciruela  
  • Padre Damaso  
  • Tinyente Guevarra  

Ang binatang guro ay ang gurong nakasaksi ng pagtapon ng bangkay ni Don Rafael sa lawa. Isa siya sa mga natulungan ng ama ni Ibarra kaya naman nais niyang mabigyan ng katarungan ang nangyari dito.

Si Crisostomo Ibarra ay ang binatang nagmula sa Europa na anak ni Don Rafael at nais na matuklasan ang buong pangyayari sa pagkamatay ng ama. Siya ay nag - aral sa ibang bansa sa utos na rin ng ama at kapagdaka ay nagbalik upang ipaghiganti ang pagkasawi nito.

Si Don Rafael Ibarra ay ang ama ni Crisostomo Ibarra na ang labi ay ipinatapon sa lawa matapos na ito ay bawian ng buhay sa loob ng piitan. Nabilanggo siya makaraang siya ay mapag bintangan na pumatay sa isang batang kolektor ng buwis.

Si Maestro Ciruela ay ang guro na hindi marunong bumasa ngunit nagtayo ng paaralan at nagturo ng pagbasa sa kanyang mga mag - aaral.

Si Tinyente Guevarra ay ang  sundalong kastila na nagsiwalat ng katotohanan kay Crisostomo Ibarra ukol sa pagkamatay ng kanyang amang si Don Rafael Ibarra. Siya rin ang nagturokay Ibarra ng lugar  kung saan inilibing ang kanyang ama at nagsalaysay ng lahat ng pighati na naranasan ng huli sa kamay ng mga guwardiya sibil.

Si Padre Damaso na tinawag ng mga sepulturero na Padre Garrote ay ang nag - utos sa mga sepulturero na hukayin at ilipat ang bangkay ni Don Rafael sa libingan ng mga Intsik.

Keywords: guro, suliranin

Buod ng Kabanata 19 ng Noli Me Tangere: brainly.ph/question/2089040

#LearnWithBrainly


Comments

Popular posts from this blog

5 Pangyayari Sa Nasyonalismo

Halimbawa Ng Inadequate Investment

Hustisya Sa Pilipinas Sa Kasalukuyang Panahon