Kahulugan Ng Mga Saknong Sa Kabanata Tatlo O "Bayang Nagdurusa" Sa Florante At Laura?, - 11,1213 ,14,15,16,17,18,19,20,21,22,23,24,25,26 Mga Saknong P
Kahulugan ng mga saknong sa kabanata tatlo o "Bayang Nagdurusa" sa Florante at Laura?
- 11,1213 ,14,15,16,17,18,19,20,21,22,23,24,25,26 mga saknong po ng kabanata three
Pakisagot po Please ... Kailangan ko na po kasi for reporting .
Thank You pooo.
Florante at Laura Saknong 11-26 "Bayang Nagdurusa" (Paliwanag sa bawat saknong)
11 - Walang mga nimfa na maaring maaawa kay Florante.
12 - Si Florante ay lumuha. Tumingala. Nagsimulang magsalita.
13 - Si Florante ay nagtatanong sa Langit kung nasaan ang ganti nito para sa kasaamaang ginawa laban sa bayan ng Albanya.
14 - Ang kasamaan ay kalat na kalat na sa kanilang kaharian.
15 - Ang mga mabubuti ay kinakawawa at binabastos.
16 - Habang ang mga masasama ay umaangat.
17 - Ang kataksilan at kasamaan ay naghahari.
18 - Pinapatay ang mga magsasalita laban sa kasamaan.
19 - Ang mga ambisyosong taksil ang dahilan ng kasawiang palad ni Florante.
20 - Si Konde Adolfo ay ginamit ang korona ni Haring Linceo (ama ni Laura) at ang kayamanan ng ama ni Florante, upang kawawain ang buong Albanya.
21 - Muling tinatanong ni Florante ang Langit kung bakit nito hinayaan ang mga pangyayaring ito.
22 - Ang Langit ay inuudyok ni Florante upang lipulin ang
kasamaan sa Albanya.
23 - Si Florante ay tinatanong ang Langit kung bakit ito bingi sa kanyang mga hiling.
24 - Ang langit ay hindi maunawaan ni Florante. Kahit raw pumayag ang Langit na mangyari ito ay hindi raw mananaig ang kabutihan sa mundo.
25 - Ngayong hindi siya pinakikinggan ng Langit, Sino ang lalapitan na ngayon ni Florante?
26 - Si Florante ay handang tiisin ang pagpapahirap ng Langit, basta maalala siya ng puso ni Laura.
Karagdagang kaalaman:
Comments
Post a Comment