Mga Tauhan Sa Kabanata 19:Karanasan Ng Isang Guro Sa Noli Me Tangere
Mga tauhan sa kabanata 19:karanasan ng isang guro sa noli me tangere Noli Me Tangere: Kabanata 19: Mga Suliranin ng Isang Guro Ang mga tauhan ng kabanatang ito ay sina: binatang guro Crisostomo Ibarra Don Rafael Ibarra Maestro Ciruela Padre Damaso Tinyente Guevarra Ang binatang guro ay ang gurong nakasaksi ng pagtapon ng bangkay ni Don Rafael sa lawa. Isa siya sa mga natulungan ng ama ni Ibarra kaya naman nais niyang mabigyan ng katarungan ang nangyari dito. Si Crisostomo Ibarra ay ang binatang nagmula sa Europa na anak ni Don Rafael at nais na matuklasan ang buong pangyayari sa pagkamatay ng ama. Siya ay nag - aral sa ibang bansa sa utos na rin ng ama at kapagdaka ay nagbalik upang ipaghiganti ang pagkasawi nito. Si Don Rafael Ibarra ay ang ama ni Crisostomo Ibarra na ang labi ay ipinatapon sa lawa matapos na ito ay bawian ng buhay sa loob ng piitan. Nabilanggo siya makaraang siya ay mapag bintangan na pumatay sa isang batang kolektor ng buwis. Si Maestr